Skip to main content

“Tapusin na ang usaping pulitika.”


Ito ngayon ang naging panawagan ni Mayor Leopoldo N. Bataoil matapos ang isinagawang flag raising ceremony sa harap ng mga empleyado at ilang mga kababayan ngayong araw ng Lunes, Mayo 30, 2022.

Ayon sa alkalde, ilang linggo na ang nagdaan matapos lumabas ang resulta ng eleksyon kaya’t dapat na umano itong tanggapin at respetuhin. Hindi naman aniya din ito nagpabaya sa trabaho at batid umano nitong nagawa at binigay ng buo ang kanyang serbisyong publiko.

“Tapos na ang election, whether you like it or not, I am your Mayor. Panalo na tayo. Hindi rin tayo nagpabaya sa ating tungkulin. Ako mismo ang makakapagsabi na ang pamunuang ito ay para sa taong bayan–para sa minamahal nating Lingayen” pahayag ni Mayor Bataoil.

Dagdag pa nito na kung sakaling hindi man siya ang pinalad na maupo bilang alkalde ng bayan ay kanya pa ring ipagpapatuloy ang serbisyong nasimulan.

“Kung sakali man na iba ang resulta sa palagay niyo ba pababayan ko ang bayan nating Lingayen? Kahit maging isang ordinary citizen na lamang ako, i wll still help our beloved town of Lingayen. Whoever will take charge of this Local Government Unit, hindi pa rin magbabago ang pagmamahal ko sa ating bayan”.

Sa huli, hinimok ni Mayor Bataoil ang publiko na magmahalan at magkaisa para sa ikauunlad ng Lingayen.

Samantala, hindi rin nakalimutan ng alkalde na pasalamatan at kilalanin ang serbisyong ibinibigay ng BFP Lingayen na siya ding main host ng nasabing flag raising ceremony.

Ayon sa alkalde, isa ang Bureau of Fire Protection sa mga agency na may professional outfit. Aniya, ang mga bombero ang isa sa mga patuloy at tapat na tumutupad sa kanilang tungkulin, kasabay ng pagtiyak sa kaligtasan ng publiko.

Nagtapos naman ang maikling programa sa isang entertainment dance na hatid ng mga kawani ng BFP Lingayen. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan