Skip to main content

Tatlong (3) mga kababayan ang nakatanggap ng mga alagang kambing mula sa Municipal Agriculture Office ngayong araw, Pebrero 10, 2022

Sinaksihan mismo ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang pamamahagi ng mga nasabing alagang hayop na ginanap sa Slaughterhouse ng bayan.

Bawat benipesyaryo ay nakatanggap ng tig isang babaeng kambing o “does” habang may isang lalaki o “buck goat” na maaari nilang hiramin para sa pagpaparami ng lahi ng mga ito. Base na rin ito sa isinagawang screening ng MAO sa mga benepisyaryo.

Tubong Brgy. Namolan, Quibaol at Aliwekwek ang mga nabigyang benipesyaryo na pawang mga apektado at naging biktima ng bagyong Maring noong nakaraang taon.

Bahagi din ito ng nagpapatuloy na rehabilititation project ng Department of Agriculture sa mga lokal na magsasaka.

Nakatakdang paramihin ng mga benipesyaryo ang kanilang natanggap na mga alagang kambing upang magkaroon sila ng mapagkakakitaan o kabuhayan.

Samantala, matapos ang pamamahagi, tungkulin ng MAO na subaybayan ang pagpapatuloy ng proyekto upang makita at alamin ang kalagayan nang ipinamahaging mga hayop. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan