TAWIRAN
Patuloy ang pagpapatupad ng programang TAWIRAN Pamanang Kaalaman Para sa Magandang Kinabukasan sa ating lalawigan.
Personal na nakipagpulong si Ma’am Maan Guico sa pamunuan ng LGU Lingayen sa pangunguna ni Mayora Josefina “Iday” Castañeda. Kasama rin sa mahalagang diskusyong ito sina Vice Mayor JM Crisostomo, MSWD Officer Lorenza Decena, LYDO Officer John Mark Mangapot.
Ang layunin ng pagpupulong ay masusing tukuyin ang mga barangay na higit na nangangailangan ng ating community-based educational and functional literacy program. Sa pamamagitan ng masiglang pagtutulungang ito, tinitiyak natin na walang maiiwan at ang bawat Lingayenese ay magkakaroon ng sapat na kaalaman para sa mas maliwanag na bukas.
Sama-sama nating itawid ang karunungan tungo sa tunay na kaunlaran!
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/18G2tES5tR/









