
TEAM LINGAYEN TUMULAK SA REHIYON DOS UPANG MAGHATID NG TULONG
NOVEMBER 23, 2020: Nakarating na ang donasyon at tulong na ipinaabot ng iba’t ibang grupo, kumpanya at pribadong indibidwal sa pamamagitan ng League of the Municipalities of the Philippines (LMP) Pangasinan Chapter at Lingap Lingayen Donation Drive na pinamumunuan ni Mayor Leopoldo N. Bataoil sa mga kababayan natin na labis na naapektuhan ng pagbaha sa Cagayan Valley Region sa pamamagitan ni LMP Isabela President Mayor Arnold Bautista ng Tumauini, Isabela at nina LMP Cagayan Chapter President Vicente Pagurayan at Tuguegaro City Mayor Jefferson Soriano na kaklase/mistah mismo ni Mayor Bataoil sa Philippine Military Academy (PMA).
Ang mga relief items ay kinabibilangan ng bigas, tubig, canned good, noodles, hygiene kits, diapers, alcohol, face shields, biscuits, tinapay, bagoong, damit, sapatos, kulambo, kumot, at ilang gamot at bitamina.
Nagkaroon din ng ceremonial turnover ng chekeng nagkakahalaga ng tig dadalawang daan at limampung libong piso (P250,000) na financial assistance na tinanggap ng LMP Isabela at LMP Cagayan mula sa LGU Lingayen. Naroon naman si Balungao Mayor Riza Peralta, LMP Pangasinan Secretary para kumatawan sa grupo at kay Mayor Bataoil.
Sampung sasakyan ang tumulak sa rehiyon dos para maghatid ng tulong at ito ay naging posible sa pamamagitan nang pagpapahiram ng trucks ng mga partners ng lokal na pamahalaan kabilang sina dating municipal administrator Jose Ferrer, Coun. George Vinoya, LGU Binmaley, Engineer Support Company ng 51st Engineer Brigade at 7th Infantry Division ng Philippine Army.
Labis-labis naman ang pasasalamat ni Mayor Bataoil sa lahat nang nagpa-abot ng tulong at naki-isa sa misyong ito upang kahit paano at mabawasan ang hirap na dinaranas ng mga naapektuhan ng nagdaang kalamidad at makatulong ang mga nalikom na donasyon para sa kanilang muling pagbangon. (MIO)