Thunderstorm Awareness: Understanding the Risks and Knowing the Proper Safety Measures
Ano ang ibig sabihin ng thunderstorm?
Ang thunderstorm ay isang uri ng matinding kondisyon ng panahon na maaaring magdulot ng malalakas na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat, malakas na hangin, pagbaha, at iba pang panganib na maaaring makaapekto sa kaligtasan ng mga mamamayan at komunidad.
Mga dapat malaman:
Ano ang mga posibleng panganib ng thunderstorm?
• Malalakas na pagbugso ng hangin na maaaring magdulot ng pinsala sa mga istruktura at puno.
• Pagkawala ng kuryente at panganib mula sa mga natumbang linya ng kuryente.
• Pagbaha dulot ng matinding pag-ulan.
• Panganib ng pagkidlat na maaaring magdulot ng pinsala sa tao at ari-arian.
• Pagguho ng lupa sa mga lugar na madaling maapektuhan.
Ano ang dapat gawin habang nakakaranas ng thunderstorm?
• Manatili sa loob ng ligtas na lugar at iwasang lumabas kung hindi kinakailangan.
• Iwasan ang mga bukas na lugar, puno, poste, at iba pang maaaring tamaan ng kidlat.
• Patayin o i-unplug ang mga kagamitang elektrikal kung kinakailangan.
• Maging alerto sa mga babala at abiso mula sa mga awtoridad.
• Ihanda ang emergency kit at makipag-ugnayan agad sa kinauukulan kung kinakailangan.
“Say too ya preparado, alerto tan alisto, arawi ed risgo.”
Para sa Emergency Response related concerns, makipag-ugnayan sa:
LDRRMO Lingayen
Telephone No.: (075) 653-7515
Mobile No.: 0919-099-2230
Municipal Information Office – Lingayen, Pangasinan
#LDRRMOInAction
#LDRRMORescue
#LDRRMOLingayen
#IDAYewTayoyLingayen
CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1BYZh1Q5Xz/