Skip to main content

TRASH BINS IPAPAKALAT SA PALIGID NG LIMAHONG CHANNEL… BAGONG HALAL NA OPISYALES NG LINTOSA, NANUMPA NA!


Malugod na tinanggap ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pangunguna ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang mga trash bins na donasyon ng ToL Recreational Hub & ATV Rental and Rockstar Events.

Pitong mga trash bins ang itinurn over kahapon Hunyo 8, 2021 sa Limahong Channel Tourism Center.

Ang mga ito ay napundar matapos ang ginanap na benefit event o ang Luluganan Car and Motor Show noong nakaraang Mayo 15.

Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Bataoil sa ToL Recreational Hub & ATV Rental and Rockstar Events sa pagbibigay ng mga nasabing trash bins at sa iba pang mga inisyatibo nito para sa ikagaganda at ikauunlad ng bayan.

Bagama’t may mga donasyong basurahan, muling ipinaalala ng alkalde sa publiko na sundin pa rin ang tamang pamamaraan sa pagtatapon ng basura tulad ng pagsunod sa 3 Rs ang Reduce, Reuse at Recyle at iba pang practical steps upang mabawasan ang volume nito.

Samantala, kasabay ng nasabing aktibidad, nanumpa na rin sa kanilang tungkulin ang mga bagong halal na opisyales ng Lingayen Tourism Stakeholders Association (LINTOSA).

Kabilang rito ang mga sumusunod:
President : Lenie Capistrano (Camille’s Homestay)
Vice-President for Events : Josephus “Boji” Ramos (TOL Recreational Hub)
Vice-President for Accommodation: Ricky F. Wyco (Wyco’s Resort)
Vice-President for Restaurant: Noel Fajardo (Papa Dong’s)
Vice-President for Coffee Shop: Vanj Padilla (Café Sentiments)
Secretary : Merlyn L. Sison (Enzo Sara’s Transient House)
Treasurer : Emelie June Javier (Chatanoga)
Auditor : Christian Angala (Antonino’s Café)

Layon ng LINTOSA na palakasin at paunlarin pa ang mga restaurant, hotel at cafeteria industry, na isa sa mga atraksyon para sa mga bumibisitang turista sa bayan.

Dumalo din sa nasabing oath taking si Vice Mayor Judy Vargas Quiocho, Councilor Jay Mark Kevin Crisostomo at Municipal Administrator Roberto Sylim. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan