Skip to main content

TULONG IBINAHAGI SA MGA DISADVANTAGE NA INDIBIDWAL… KAHALAGAHAN NG KABABAIHAN PATULOY NA PINAGPUPUGAY

Ipinagpatuloy ng Lokal na Pamhalaan ng Lingayen sa pangunguna ni Mayor Leopoldo N. Bataoil at Vice Mayor Judy Vargas Quiocho ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga kababayan sa ilalim ng Assistance to Individual In Crisis Situation (AICS).

Dalawampu’t siyam (29) na benepisyaryo ang nakatanggap nito kung saan labing siyam (19) ang para sa solo parents at sampu (10) namang indibidwal para sa medical assisstance.

Gaya ng paulit ulit na panawagan, muling ipinunto ni Vice Mayor Quiocho sa kanyang mga kababayan na gamitin sa tama at maayos na paraan ang perang natanggap. Aniya, sa halip na gamitin sa sugal o di kaya’y bisyo, mas mainam umano kung ilaan na lamang ito sa makabuluhang bagay.

“Sulitin po natin kung anong binigay na tulong ng gobyerno. Gamitin po natin ito para sa pangkabuhayan o personal na pangangailangan” ani bise alkalde.

Ang AICS ay bahagi ng protective assistance na ipinagkakaloob ng Department of Social Welfare Development (DSWD) sa mga mahihirap na pamilya, marginalized sectors, bunerable o disadvantage na mga indibidwal.

Samantala, muli namang binigyang pugay ni Mayor Bataoil ang lahat ng mga kababaihan lalo na ang mga empleyado ng munisipalidad sa pagdiriwang pa rin ng Women’s Month ngayong buwan ng Marso.

Binigyang diin ng alkalde ang kahalagahan ng mga kababaihan hindi lamang sa buhay ng kapwa niya mga kalalakihan ngunit maging sa papel ng mga ito sa lipunan. Bukod pa rito, sinabi rin ni Mayor Bataoil na ang kakayahan ng mga kababaihan ay hindi na matatawaran sa panahong ito.

“Pinapahalagahan ko kayong lahat na mga kababaihan. Kayo ang pinakamagandang regalo na ibinigay ng Panginoon sa aming mga kalalakihan. Kung wala kayo, ang aming buhay ay hindi kumpleto,” pahayag ng alkalde.

Kaugnay nito, isang “Pamper Day” ang ipinagkaloob sa mga kababaihan tulad ng libreng manicure, pedicure, facial at hair treatment at iba pa na ginanap sa Lingayen Civic Center bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Women’s Month.

Pinasalamatan rin ni Mayor Bataoil ang mga partner organizations na katuwang ng lokal na pamahalaan para sa mga programa para sa kababaihan sa bayan. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan