Skip to main content

TULONG PARA SA MGA APEKTADO NG ASF, IPINAMAHAGI

Abot sa mahigit dalawang daan (200+) na free range chickens ang ipinamahagi ng Department of Agriculture sa mga magsasaka dito sa bayan ngayong araw Oktubre 27, 2020.

Labing dalawang (12) benepisyaryo na pawang mga backyard hog raisers na lubos na naapektuhan ng African Swine Fever o ASF ang nabiyayaan ng nasabing ayuda.

Lima (5) mula sa Brgy. Bantayan, apat (4) sa Brgy. Tonton, dalawa (2) mula sa Libsong East at isa (1) sa Brgy. Maniboc ang bilang ng mga magsasakang maswerteng nabigyan nito.

Bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng 22 alagang manok kung saan 20 ang bilang ng babae (pullet) habang 2 ang tandang (rooster).

Layunin ng programa na tulungan na mai-angat ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka na apektado ng ASF at upang maisulong na rin ang Scientific and Sustainable Poultry Production sa bayan.

Pinangunahan ni Mayor Leopoldo N. Bataoil ang distribusyon ng mga alagaing manok katuwang ang Municipal Agriculture Office (MAO) at Department of Agriculture.

Tinanggap ng mga benepisyaryo ang mga ipinamahaging manok at nagpahayag ng pasasalamat sa dagdag kabuhayan na ipinagkaloob sa kanila ng kagawaran. Nananawagan naman ang DA at lokal na pamahalaan ng Lingayen sa mga magsasaka na pahalagahan ang ibinigay na tulong ng ahensya para sa ikauunlad at ikalalago ng kanilang kabuhayan. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan