Skip to main content

Tuloy na tuloy na ang pagbebenta ng mga sariwa at murang agricultural products sa bayan ng Lingayen bukas, Hunyo 24, 2022


Tuloy na tuloy na ang pagbebenta ng mga sariwa at murang agricultural products sa bayan ng Lingayen bukas, Hunyo 24, 2022.

Ito ay sa ilalim ng programang KADIWA ni ANI at KITA ng Department of Agriculture.

Nakumpirma ang nasabing aktibidad matapos ang pagpupulong ng mga kinatawan ng naturang tanggapan kasama ang lokal na pamahalaan ng Lingayen, Pangasinan Provincial Agriculture Office at ilang mga retailers at producers.

Dito ay ihahatid ng diretso sa mga mamimili ang mga sariwang gulay at iba pang Agri-fishery commodities sa “abot kayang halaga” na direktang nagmula sa ating mga magigiting na magsasaka at mga mangingisda.

Labing limang (15) producers at vendors ang inaasahang magbebenta ng mga gulay tulad na lamang ng talong, amapalaya, kamatis, okra, kalabasa, upo, kasama ang sariwang prutas at mga isda.

Bukod sa murang halaga ng mga produkto, inihayag ni Ginoong Ramy P. Sison ng Provincial Agriculture Office na layunin din ng naturang aktibidad na magkaroon ng magandang ugnayan ang mga ‘producers’ at ‘consumers’.

“Hindi lang naman pagtitinda ang purpose nito. Gagawin natin ito upang magkaroon at makabuo ng maayos na samahan at pagkakaibigan between sa producers at mga consumers natin dito” pahayag ng opisyal.

Magsisimula ang bentahan ng mga agricultural products eksaktong alas otso (8:00) ng umaga na gaganapin sa Lingayen Civic Center.

Hinihikayat ang mga kababayan na magtungo at suportahan ito sa pamamagitan ng pagbili sa mga pananim ng ating mga lokal na magsasaka.
(MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan