Skip to main content

“Tutok Kainan” Supplementation Program ng National Nutrition Council


Sinimulan ng ilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen katuwang ng Municipal Health Office nito ang “Tutok Kainan” Supplementation Program ng National Nutrition Council o NNC at Department of Health.

Bilang panimula o pagpapakilala sa naturang programa, isang orientation ang isinagawa para sa mga benipesyaryo na dinaluhan din ng mga Punong Barangay, Barangay Nutrition Scholars at Barangay Health Workers ng bayan noong ika-18 ng Abril, 2022.

Dito ay ibinahagi ang kahalagahan ng nasabing programa kabilang na ang Plan of Action, guidelines, updates, monitoring at ang magiging reporting system.

Target ng “Tutok Kainan” Supplementation Program ang mga ‘nutritionally at-risk’ na mga buntis at mga bata na may edad na anim na buwan hanggang dalawang taong gulang. Dito ay binibigyan at tinutulungan ang mga benipesyaryo na mabigyan ng sapat at de-kalidad na pagkain o mas kilala sa tawag na ‘supplemental feeding’ upang maiwasan ang malnutrisyon.

Sa Abril 21, 2022 ang pormal na pagsisimula ng naturang programa sa iba’t ibang barangay at inaasahang palalawakin pa ito sa mga darating na panahon upang tuluyan nang mapuksa ang malnutrisyon o pagkagutom lalo na ng mga kabataan sa bayan. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan