Umabot sa 33,021 pamilya ang pinaglaanan ng Family Food Packs
Sa bawat pagsubok, patuloy tayong gagawa ng paraan upang makaagapay sa bawat pamilyang Lingayenense.
Upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan na naapektuhan ng nagdaang bagyo at Habagat, nakipag-ugnayan tayo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa tulong ng ating butihing Congressman Mark Cojuangco, upang maihatid ang kinakailangang relief assistance sa ating mga kababayan.
Umabot sa 33,021 pamilya ang pinaglaanan ng Family Food Packs, na ipinamahagi sa 32 barangay ng Lingayen upang maipamahagi sa mga pamilyang nangangailangan sa kani-kanilang nasasakupan.
Taos-puso akong nagpapasalamat kay Congressman Mark Cojuangco at sa DSWD sa kanilang mabilis na pagtugon sa ating kahilingan at sa kanilang pakikiisa upang matiyak na walang pamilyang Lingayenense ang maiiwan sa panahon ng pangangailangan.
Makakaasa po kayo na laging nandito ang inyong Lokal na Pamahalaan, handang umalalay at magmalasakit sa bawat pamilyang Lingayenense. ❤️
#IDAYewTayoyLingayen
Click Here: https://www.facebook.com/share/p/1BpgzCj2JU/