Skip to main content

UNANG ARAW NG BALIK-ESKWELA SA LINGAYEN, NAGING MAAYOS

UNANG ARAW NG BALIK-ESKWELA SA LINGAYEN, NAGING MAAYOS
Nagsimula na ngayong araw ang Face-to-Face Classes sa mga pampublikong paaralan dito sa bayan.
Ipinagutos ng lokal na pamahalaan ng Lingayen ang masusing monitoring kaugnay sa nasabing pagbabalik-eskwela ng mga estudyante sa pamumuno ni Mayor Leopoldo N. Bataoil.
Base sa obserbasyon, payapa at maayos ang naging pagdagsa ng mga mag-aaral na sinalubong ng kani-kanilang mga guro.
Naipatupad din ang mahigpit na security measures upang matiyak ang seguridad ng mga magulang, guro at estudyante sa pagsisimula ng naturang face-to- face classes.
Sa katunayan, sa bawat paaralan ay nagtalaga ang PNP Lingayen ng tig-isang mga tauhan na nagsilbi bilang police assistance desk. Nagbigay din ang bawat barangay ng mga tanod na siya namang umalalay sa pagtawid sa kalsada at iba pang security concerns ng mga mag-aaral.
Bukod pa rito ay hindi rin nakalimutan ng bawat ekwelahan na ipatupad ang mga basic health protocols tulad na lamang ng pagsusuot ng face mask, pagbibigay ng alcohol pati na ang pag obserba sa social distancing lalo na noong isinagawa ang kani-kanilang flag raising ceremony.
Pinayuhan ni Mayor Bataoil ang mga force multipliers na ipagpatuloy lamang ang pagbabantay sa seguridad at kapakanan ng mga estudyante sa bayan at titiyakin umano ng lokal na pamahalaan na ang mga ito ay magiging ligtas at kumportable sa kanilang pagbabalik-eskwela. (MIO)
📸MIO/ GcRueda/ DDeGuzman/ RLlanillo

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan