Skip to main content

UNANG SEABORNE TRAINING NG PHILIPPINE ARMY SA LINGAYEN!

Mainit na sinalubong ni Mayor Iday ang 552 miyembro ng Class 797-2025 “Masintalas” na nagsagawa ng isang makasaysayang Seaborne Training dito sa ating mahal na bayan ng Lingayen.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Philippine Army na isagawa ang ganitong uri ng pagsasanay. Lalo pang nakaaantig ng damdamin na kabilang sa grupo ang isa nating kababayan, si PVT Aliza May T. Fabiaña mula sa Barangay Sabangan.
Ipinahayag ni Mayor Iday ang buong suporta ng Pamahalaang Bayan ng Lingayen sa mga bagong henerasyon ng Mandirigmang Sinanay sa Talino at Lakas, na binubuo ng 497 regular at 55 special enlist.

Click here: https://www.facebook.com/share/p/1BrsHrvFKE/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan