• Home
  • Community
  • News
  • News
  • VACCINATION ROLLOUT, NAGPAPATULOY…ILANG MARGINALIZED SECTORS NAKATANGGAP NG TULONG

VACCINATION ROLLOUT, NAGPAPATULOY…ILANG MARGINALIZED SECTORS NAKATANGGAP NG TULONG

Nagsimula na rin ang pagbabakuna ng unang dose ng COVID-19 vaccine para sa ilang empleyado ng munisipalidad pati na ng mga brgy health workers sa bayan partikular ang mga myembro ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) ngayong araw, Marso 30, 2021.

Kabilang sa mga naturukan ay ang mga staff ng Rural Health Unit 1 at 2, mga empleyado ng Local Disaster Risk Reduction and Management Office o LDRRMO at mga Barangay Health Workers at iba pang inidibidwal na bahagi ng BHERTs.

Ayon sa Municipal Health Office (MHO) Lingayen, malaking tulong ang nasabing bakuna sa mga nabanggit na empleyado o ang itinuturing na mga frontliners na araw-araw na humaharap sa hamon ng pandemya.

Gaya ng proseso sa naunang immunization rollout sa bayan, may mga hakbang silang ipinatupad hinggil dito: Una ay ang pag-i-isolate ng mga babakunahan sa waiting area. Pangalawa ay ang registration na sinundan ng counselling. Susundan ng vaccination at panghuli ang monitoring kung saan maghihintay ang mga nabakunahan ng 30 minuto hanggang isang oras upang obserbahan ang magiging epekto ng bakuna sa kanilang katawan.

Nakapagtala ngayong araw ang MHO ng tinatayng 94 na bilang ng mga frontliners na nabigyan ng libreng bakuna at magpapatuloy ito hanggang bukas para sa ikalawang batch ng vaccines na inihatid ng DOH para sa LGU LIngayen.

Samantala, tatlumpu’t pito (37) na kababayan ang muling nabigyan ng Tulong pinansyal sa ilalim ng Assistance to Individual In Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ilan sa mga naging benepisyaryo ay sampung (10) solo parents, labing anim (16) na indibidwal para sa burial assistance habang labing isa (11) naman para sa medical assistance.

Ang AICS ay bahagi ng protective assistance na ipinagkakaloob ng DSWD sa mga mahihirap na pamilya, marginalized sectors, bunerable o disadvantage na mga indibidwal. (MIO)

Contact Info

#1 Bengson Street, Lingayen, Pangasinan, 2401

Phone: (075) 632-4337 Fax: (075) 632-4337 Email: lingayen.lnb[at]gmail.com

Phone Numbers

Mayor's Office(075) 632-4337
Lingayen Police(075) 206-0042
Fire Department(075) 542-7080
LDRRMO(075) 633-5702
DILG Office(075) 542-2396

See All Phone Numbers

Facebook Page

Documents

Copyright © 2019. Municipality of Lingayen, Province of Pangasinan. All rights reserved.

POWERED BY:

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan