Skip to main content

VIRTUAL REGIONAL FARMC CONGRESS, IDARAOS

Hinihikayat ngayon ng Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office (MAO) ang mga mangingisda sa bayan na makilahok sa isasagawang Virtual Regional Fisheries and Aquatic Resources Management Council (FARMC) Congress na gaganapin bukas, Setyembre 17, 2020 mula alas 9:00 hanggang 11:00 ng umaga.

Ito’y isang pagsasanay ‘online’ ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) alinsunod na rin sa pagdiriwang ng Fish Conservation Week na may temang “Karagatan ay Pangalagaan upang Ani at Kita ay Makamtam maging sa Gitna ng Pandemyang Hamon sa Bayan”.

Ayon sa tanggapan ng MAO Lingayen, layunin ng nasabing Online Training na itaguyod ang pagpapanatili ng kaalaman at kamalayan ng publiko lalo na sa usapin ng aquaculture .

Posible namang talakayin sa naturang aktibidad ang ilang mga problema o suliraning madalas kinakaharap ng mga lokal na mangingisda at kung paano ito masosolusyunan.

Tampok din sa selebrasyon ang masigasig na kampanya ng BFAR tungkol sa red tide pati na ang tuloy tuloy na pagpapabuti o improvement at sustainable development ng fishery industry sa bayan.

Samantala, ang mga interesadong kalahok ay maaaring makipag ugnayan sa Municipal Agriculture Office upang kanilang maibigay ang ID at password na gagamitin sa naturang virtual conferrence. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan