Skip to main content

VOTERS REGISTRATION BUBUKSAN SA DARATING NA IKA-4 NG HULYO


Muling bubuksan ng Commission on Elections o COMELEC Lingayen ang voters registration para sa barangay at SK elections na nakatakdang gawin sa darating na Disyembre ngayong taon.

Magsisimula ang rehistrasyon mula Hulyo 4 hanggang 23, Lunes hanggang Sabado kabilang ang Holidays–8am to 5pm.

Bukas ang rehistrasyon para sa mga regular na botante na may 18 taong gulang pataas kabilang din ang mga kabataang may edad na 15 hanggang 17-taong gulang na pasok sa botohan ng SK polls.

Kabilang sa mga applications na tatanggapin ay ang mga sumusunod:

REGISTRATION – para sa mga hindi pa nakarehistro at may edad 15 years old pataas on or before December 5, 2022.

REACTIVATION – para sa mga HINDI NAKABOTO noong 2018 at 2019 Elections (hindi kasama ang 2022 National and Local Election)

TRANSFER- para sa mga lumipat ng tirahan na nais magpalipat ng rehistro.

CORRECTION O CHANGE OF STATUS- para sa mga may nais iwasto sa kanilang record. Halimbawa, mali ang spelling ng pangalan o update ng civil status.

Pinapayuhan naman ang publiko na huwag kalimutang dalhin ang alinman sa mga sumusunod na requirements bago tuluyang magtungo sa tanggapan ng COMELEC Lingayen:

1. National ID
2. Employees ID with the signature of the Employer or Authorized Representative
3. Postal ID
4. National PWD ID Card
5. Students ID or Library Card, signed by the School Authority
6. Senior Citizens ID
7. Driver’s License
8. NBI Clearance
9. Passport
10. SSS/GSIS ID
11. IBP ID
12. License issued by PRC
13. Certificate of Confirmation issued by the NCIP in case members of ICCs or IPs
14. Barangay Identification or Certification with Photo
15. Any other Valid ID

Samantala, bilang pagsunod sa safety and health protocols, kinakailangan pa rin ang pagsusuot ng face mask at pagdadala ng sariling ballpen upang maproteksyonan ang sarili laban sa COVID-19.

Hiling ng Lokal na Pamahalaan na sundin ang mga patnubay at mga hakbang na ipinapatupad upang maiwasan ang posibleng pag kalat at pagkakahawaan ng nabanggit na sakit kabilang na ang pagkakaroon ng aberya sa pag proseso ng voter’s registration. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan