Skip to main content

VOTERS REGISTRATION HANGGANG SEPTEMBER 30 NA LANG.. ORAS NANG PAGPAPAREHISTRO, PINALAWIG

Nag anunsyo ang Commission on Elections o COMELEC Lingayen ng mas mahabang oras nang pagpaparehistro sa kanilang tanggapan o ang “extended operating hours” sa kabila na rin ng umiiral na quarantine restriction sa bayan.

Mula sa dating iskedyul na alas otso ng umaga hanggang ala singko ng hapon, palalawigin na ito ng hanggang ala syete ng gabi, Lunes hanggang Biyernes.

Mayroon din umanong voters registration tuwing araw ng Sabado at holidays, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Ayon sa COMELEC Lingayen layunin ng ginawang pagpapalawig na mabigyan pa ng mas mahabang oras at panahon ang mga kababayan na magparehistro lalo’t hanggang Setyembre 30 na lamang umano ang itatagal nito.

Muli namang pinayuhan ang publiko na magpunta na sa kanilang tanggapan upang magparehistro o makapagpatala para sa 2022 national and local elections.

Kabilang rin sa tatanggaping applications ay ang new registration, transfer mula sa ibang siyudad o munisipyo, transfer within the municipality, reactivation at change of name dahil sa pagpapakasal o correction of entry.

Pinapa-alalahanan lamang na magdala ng alinman sa valid ID, Birth Certificate, Marriage Contract sa bagong registrants at change of name o correction of entry.

Mahigpit na ipapatupad ng COMELEC ang No requirements, No transaction at No face mask, No face shield, No registration policy. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan