Skip to main content

VOTERS REGISTRATION NG COMELEC, MAY BAGO NG SCHEDULE

Wala nang isasagawang voters registration tuwing araw ng Sabado.

Ito ang inanunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) Lingayen. Ayon sa naturang tanggapan, gagawin na lamang ang registration mula Lunes hanggang Huwebes.

Ipapatupad umano ang 4-day voter registration schedule simula sa November 3, 2020.

Ang public registration hours ay mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Pinaliwanag naman ng COMELEC Office na ang araw ng Biyernes ay ilalaan para sa pagsasagawa ng disinfection activities sa kanilang tanggapan.

Pansamantala ding sinuspinde ng naturang opisina ang proseso ng voter registration sa Oct. 31, Nov. 1 at 2 bilang paggunita sa All Saints’ at All Souls’ Day o Undas 2020.

Patuloy naman na hinihikayat ng COMELEC ang publiko na magparehistro sa kanilang tanggapan. Maliban sa aplikasyon para sa pagpaparehistro, tatanggapin din ang:

-paglilipat ng registration records
-pagpapalit/pagtatama ng entries sa tala ng rehistro
-pagre-reactivate ng registration record
-pagbabalik ng pangalan sa listahan ng mga botante

Maaari ring i-update ng mga may kapansanan, senior citizens, katutubo at iba pang bulnerableng sektor ang kanilang mga record. Paalala lamang ng naturang tanggapan na istrikto pa rin nilang ipapatupad ang mga health protocols tulad na lamang ng pagsusuot ng face mask at face shield.

Hinihikayat din ang mga magpaparehistro na magdala ng kanilang sariling ballpen.

, – :

https://www.facebook.com/comelec.lingayen.77

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan