
VOTERS REGISTRATION SA BAYAN PATULOY NA DINADAGSA
Umabot na sa halos dalawang libo (2,000) ang natanggap ng Commission on Elections o COMELEC Lingayen para sa nagpapatuloy ng registration ng mga regular at youth voters mula nang umpisahan ang pagpapatala noong nakaraang Hulyo 4, 2022.
Base sa Consolidated Daily Report ng COMELEC, may 1,736 ng aplikasyon ang Lingayen na siya ding pinakamarami at pinakamataas na bilang ng rehistrasyon sa lahat ng bayan at syudad sa buong probinsya.
Kabilang sa mga ito ang mga indibidwal na may edad 15-17 taong gulang, 18-30 at 31 pataas. Narito ang total na nitala ng COMELEC mula sa pinakahuling datos kahapon:
1. Registration – 1,512
2. Transfer – 100
3. Correction of Entries – 33
4. Transfer within – 24
5. Reactivation – 43
6. Reactivation with Correction of Entries – 8
7. Transfer with Correction of Entries – 11
8. Transfer with Reactivation – 5
Tatagal ang voter’s registration hanggang July 23 lamang kaya’t muling hinikayat ang mga aplikante na magtungo na sa kanilang opisina mula Lunes hanggang Sabado kabilang ang holidays. Pinapayuhan lamang ang publiko na huwag kalimutang dalhin ang alinman sa mga sumusunod na requirements:
1. National ID
2. Employees ID with the signature of the Employer or Authorized Representative
3. Postal ID
4. National PWD ID Card
5. Students ID or Library Card, signed by the School Authority
6. Senior Citizens ID
7. Driver’s License
8. NBI Clearance
9. Passport
10. SSS/GSIS ID
11. IBP ID
12. License issued by PRC
13. Certificate of Confirmation issued by the NCIP in case members of ICCs or IPs
14. Barangay Identification or Certification with Photo
15. Any other Valid ID
(MIO)