WALANG PASOK | AUGUST 06, 2026
WALANG PASOK | AUGUST 06, 2026
Dahil sa inaasahang malakas at tuluy-tuloy na pag-ulan dulot ng Bagyong Maymay at ng pinalakas na Habagat (Southwest Monsoon), na maaaring magdulot ng pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Bayan ng Lingayen, suspendido ang mga klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan, gayundin ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng lokal na pamahalaan sa Bayan ng Lingayen, sa Huwebes, August 6, 2026.
Hinihikayat ang lahat na manatiling mapagmatyag, sundin ang mga abiso ng mga kinauukulang ahensya, at pairalin ang ibayong pag-iingat upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.