Skip to main content

Warmest Birthday Greetings and Appreciation to MENRO Department Head Ms. Grace A. Satuito

Isang mainit at taos-pusong pagbati mula sa Lokal na Pamahalaan ng Lingayen sa pagdiriwang ng kaarawan ng ating Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) Department Head, Ms. Grace A. Satuito.

Kinikilala at pinasasalamatan ng pamahalaang bayan ang inyong dedikasyon, malasakit, at patuloy na paglilingkod sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng ating komunidad.

Ang inyong pamumuno at mga pagsisikap ay nagsisilbing inspirasyon sa patuloy na pagsusulong ng mga programang naglalayong protektahan ang kapaligiran at mapanatili ang isang mas ligtas at mas maayos na Lingayen para sa lahat.

Hangad namin ang inyong patuloy na mabuting kalusugan, kaligayahan, tagumpay, at maraming pagpapala sa buhay. Nawa’y patuloy kayong maging gabay at inspirasyon sa inyong paglilingkod sa ating bayan.

Maligayang kaarawan po, Ms. Grace A. Satuito!

#MIOLingayen
#IDAYewTayoyLingayen

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1DJerva3pY/

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan