Skip to main content

WOMEN EMPOWERMENT BIBIGYANG KAMALAYAN SA ISANG PELIKULA

Nagsagawa ngayong araw, November 17, 2020 ng story conference at script reading ang mga tauhan ng pelikulang EBAI: Babae Ka, Hindi Babae Lang; “EBAI” o hango sa pangalang EBA (kumakatawan sa mga kababaihan) at BAI ( salitang Pangasinense na ibig sabihin ay matandang babae) sa Lingayen Sangguniang Bayan Session Hall.

Ito ay proyekto ng lokal na pamahalaan ng Lingayen sa pamamagitan ng Gender and Development Program at HCA Production sa pakikipagtulungan ng Pangasinan Local Council for Women, Pangasinan Police Provincial Office, Lingayen Police Station, Project Imis, JCI Lingayen Bagoong at Girl Scout of the Philippines.

Ayon kay Harvey C. Aquino, direktor ng naturang independent advocacy film at isang Lingayenense, layunin ng naturang pelikula na maimulat ang lahat sa mga karapatan ng kababaihan at kanilang mga kahinaan na madalas umanong nasasamantala. Women empowerment ang pangunahing nais ipamulat sa mga manonood upang tumatak umano ang respeto sa mga kababihan at maiwasan ang “stereotyping” sa mga ito.

Dumalaw naman sa naturang story conference sina Vice Mayor Judy Vargas-Quiocho at Pangasinan 2nd district congressman Jumel Anthony I. Espino.

Tiniyak naman ng direktor na susunod pa rin sa mga ipinatutupad na health protocol ang lahat ng cast at crew habang ginagawa ang naturang pelikula.

Samantala plano naman itong agad na matapos at maipapanood sa publiko sa darating na Disyembre. (MIO)

Official Website Lingayen Municipality, Province of Pangasinan