Work From Home (WFH) arrangement
Sa kabila ng patuloy na pag-ulan, patuloy din ang serbisyo ng ating mga kawani ng pamahalaan.
Bilang pagtugon sa Work From Home (WFH) arrangement na ipinatupad ng Malacañang, ang ibang empleyado ng opisina ay patuloy na ginagampanan ang kanilang mga tungkulin at tinatapos ang mga kinakailangang gawain mula sa kanilang mga tahanan, habang ang ating essential at frontline workers ay patuloy na nasa kanilang mga duty stations upang magbigay ng serbisyo sa ating mga kababayan.
Salamat sa inyong dedikasyon, malasakit, at patuloy na pagtupad sa tungkulin, sa opisina man o sa tahanan.
Maraming salamat, mga kapwa empleyado. Mag-ingat po tayong lahat, at nawa’y patuloy kayong gabayan at ingatan ng Maykapal.
Click Here: https://www.facebook.com/share/p/1EY3MLJ1jL/